Transcript of excerpts of CNN Debate (Kiko Pangilinan)

Transcript of excerpts of CNN Debate (Kiko Pangilinan)

Q1: Which Cabinet position do you prefer?
FNP: Magandang araw po sa kanilang lahat. Depende po sa ating magiging Pangulo na si President Leni Robredo kung ano ang iaatang niya sa atin. Kung ano man ang may kinalaman sa agrikultura at pangingisda, yun ang ating tatanggapin.
Lahat ng kandidato ngayon sa pagka Bise Presidente at sa loob ng dalawampung taon ng halalan sa ating bansa, ako lang ang kandidato na sinusulong at gagawan ng solusyon at sinesentro ang problema ng gutom, mataas na presyo ng pagkain at agrikultura.
Tututukan natin ang alalay at ayuda at tulong sa magsasaka at mangingisda. Bilang dating food security secretary, pinigilan natin tumaas ang presyo ng bigas dahil nilabanan natin ang mga cartel at rice smuggling at tinigil natin ang tongpats sa importation ng bigas na nauwi sa savings ng 7.3 billion pesos sa loob lamang ng dalawang taon.
Yan ang susi sa maayos na suporta sa ating magsasaka at mangingisda: tapat na gobyerno. At makakaasa sila sa atin dito. Kapag buo ang suporta sa magsasaka at mangingisda. Dadami ang ani, dadami ang huli, maganda na ang supply sa ating bansa, bababa ang presyo, mawawala na ang gutom. Yan ang ating tututukan.
Q2: As Vice President, what steps are you going to take to address the pandemic problem. Be as specific as possible.
Specific question: The partial report seeks plunder, graft and other criminal and administrative charges against Health Secretary Francisco Duque, former government officials and executives of Pharmally Pharmaceutical Corp. And it also found that President Duterte betrayed public trust which is impeachable under the constitution. Senator Kiko, you signed the report. Our question, if these individuals (involved in Pharmally) are found guilty, as Vice President how will you ensure that justice is served?
FNP: Bilang vice president, syempre pagka sila ay sinampahan na ng kaso, kailangan respetuhin natin ang proseso ng ating criminal justice system. At makakaasa ang ating mga kababayan, hIndi tayo makikialam.
Dapat nga ang mga nagkasala ay managot at dapat mabilis ang paglilitis. Yan ang hirap sa ating sistema ng katarungan, mabagal. Kaya dapat din mamodernisa ang ating justice system. Dagdagan ang pondo para mabilis ang paglilitis. Mabilis mapaparusahan ang mga dapat na nagkasala at mabilis din ang hustisya.
Kaya bilang vice president dito sa kaso ng Pharmally ay kinakailangan talagang busisiin nang husto at pursiguhin. Ngayon pa lang nagtatago ang napakaraming testigo na dapat sana ay nagpapaliwanag at prinoprotektahan at dinedepensahan. Ibig sabihin, kung wala silang kasalanan bakit sila nagtatago.
We can assure the public pag tayo ay binigyan ng pagkakataon, we will ensure that justice will be served. Hindi biro itong nangyari dito sa bilyunbilyong halaga na binulsa habang namamatay ang ating mga kababayan. Dapat managot itong mga nagkasala at dapat talagang maparusahan.
Q3: How will you help MSMEs struggling from the pandemic?
FNP: Ang Robredo-Pangilinan tandem, ang kanyang mungkahi ay kumuha ng P100B mula sa mga realignment lamang ng ating current budget at suportahan yung MSMEs bilang ayuda pero meron itong, hindi ito utang, ayuda ito pero meron itong restriction, meron mga kinakailangan gawin. Halimbawa makakuha ka ng ayuda kung hindi mo tatanggalin yung iyong mga empleyado so that we can preserve these jobs at two kung kukunin mo uli yung mga tinanggal mong trabahador dahil sa Covid. So 100 Bilyon yan.
In the last Congress, this administration gave 15 billion total assistance sa MSMEs. Napakaliit. Dahil over 1 million ang ating mga small and medium enterprises. At sila ang pinakamalaking employer, ika nga 90% of our employees or employment comes from small and medium enterprises.
We really have, kinakailangan suportahan. So yan ang ating gagawin.
At siyempre kinakailangan talagang dapat busisiin nang husto. The DTI is a very professional organization, very professional. Nabilis silang kumilos. Pagka binigay mo sa DTI yung 100 billion para sa suporta sa SME, talagang alam natin mapupunta sa tamang tulong at tamang ayuda para tuloy-tuloy ang ating ekonomiya ay sumigla.
Rebuttal from Bello: Mentioned FNP signed retail trade liberalizing the laws, foreign oriented laws
FNP: We supported the measure precisely because we feel given yung situation sa ASEAN tayo napakababa nung investments natin mula sa abroad. Napakahalaga niyan ngunit binalanse naman natin kaya nga may 100 billion na suporta sa ating maliliit na negosyante para talagang mabigyan sila ng alalay at ayuda habang nasa gitna ng Covid at ng pandemya.
So kinakailangan natin balansehin hindi pepwedeng bawal ang lahat ng foreign investment o kaya restrictive to the degree na hindi na lalaki ang ating ekonomiya dahil nakakadagdag naman sa totoo lang ng trabaho. But at the same time suportahan ang ating lokal kaya nga meron ngang 100 billion which is 85 billion more than what this administration has given in terms of assistance to MSME.
Q: Are you prepared to take this maritime dispute to another level?
FNP: I am prepared to fight for our rights over the waters of our Exclusive Economic Zone and not be subservient. Di tayo p-pwedeng sunud-sunuran sa China. Gusto natin makipagkaibigan sa China pero wag naman dahil sa pagkakaibigan natin sa kanila, i-gi-give up natin yung 550,000 square kilometers of sovereign and exclusive economic zone.
Alam mo, tinataboy ang ating mga mangingisda. Ipaglaban natin ang ating soberenya. Dati, ang kinikita nila P40,000- P60,000 a month dahil nakakapunta sila dun sa malayo. Ngayon dahil wala na yung Coast Guard, wala na yung Navy, talagang wala ng pumoprotekta sa kanila. Dapat iresume yung patrol, i-resume ang Coast Guard. Para pag narun ang ating mangingisda, meron silang takbuhan. Number 1.
Number 2. Para tumaas ang kanilang kita. Ngayon P3,000 a month na lang ang kinikita, kulang-kulang pa, pang gasulina lang. Kawawa ang ating mangingisda. So we have to fight for our Exclusive Economic Zone. That is energy security dahil maraming oil diyan at gas reserves. That is food security dahil maraming isda diyan at aqua-marine resources. Ipaglaban natin yung arbitral ruling dahil atin yan. Atin yan. Atin ang West Philippine Sea.
Rebuttal from Rizalito David: Wala namang nagawa itong sinasabi nating ipaglaban natin ipaglaban natin.
FNP: Siguro hindi tayo narinig ni Ginoong David. Sabi ko nga, we will resume the Coast Guard patrols in the area. We will resume the Navy patrols in the area. So yun ang gagawin para ma protektahan ang ating mga mangingisda at ma-assert natin ang ating soberenya.
Number 2. We will have to engage with ASEAN. Indonesia, Vietnam, they are also concerned about the aggression of China. We should align with ASEAN neighbors who together we can strengthen our position that this aggression is not right
Number [3]. US, Australia, Japan are also concerned about this 9-dash line illegal claim, fake claim. And we have to also have to align and strengthen our alliances with them so that we have a broad alliance that will assert or will oppose this unacceptable 9-dash claim of China
Moderator: Far miniscule navy compared to China
FNP: Far larger than Vietnam and Indonesia but they can assert. They have asserted their sovereignty over these waters. Indonesia even, binomba nga at pinasabog yung Chinese vessel eh. Hindi naman ibig sabihin gyera so we have to assert. I’m not saying we should atakihin natin sila. Pero pag tayo na wino water cannon di naman tayo pe-pwedeng naka nganga lang. We have to defend. Our Navy and our Coast Guard must defend our sovereign waters and it starts with being present in these areas by having this patrols.
Rebuttal from Bello that FNP said we will join the Quad
FNP: I did not say we will join the Quad, you look at the tapes. Let us stick to facts. You are a professor.
Q: What will you do with the rising fuel prices?
A: Sinagot ko na yung point ni G. Bello na we have to strike a balance. That’s why we put 100 billion assistance fund for MSMEs as we also allow investments from abroad to come in. We already answered the question earlier.
Q: What have you done in the past that as a vice president you have the ability to fight graft and corruption?
A: Well tatlong beses na tayong hinalal ng ating mga kababayan bilang senador mula pa ng 2001 at mahalaga sa akin ang binigay na tiwala ng ating kababayan kaya tinitiyak natin na sa 3 termino ni minsan hindi tayo nasangkot sa anumang kaso ng anomalya number 1. So maliwanag yan.
Number 2 nuong tayo ay naging Chairman ng NFA board for the first time in 42 years nag reject ng bid ang NFA dahil masyadong mataas. In fact apat na beses tayong nag reject ng bid. Hindi daw nangyari yan sa 42 taon ng NFA. Bakit nag reject? Mataas. Bakit mataas? Dahil mayroong isinisingit na tongpats at sa apat nating pag re reject napababa nila ang presyo ng Thailand at Vietnam ng kanilang ino-offer na bigas at nakatipid nga tayo ng 7 billion pesos dahil dito so yan ang ating track record.
At siyempre nuong first term natin talagang binusisi natin at dinepensa ang pag momodernisa ng ating justice System dinagdagan natin ang sahod ng mga huwes. Binaba natin ang vacancy rate sa huwes ng tayo ay miyembro ng JBC (Judicial Bar Council). Nadagdagan din ang benepisyo ng ating mga prosecuto . Pag malakas ang sistema ng katarungan talaga ang korupsyon ay mababawasan talaga. Napaparusahan ang dapat parusahan.
Q: ICC
FNP: In fact we were one of those petitioners who questioned the withdrawal by the President of our membership in the ICC. Unfortunately, the Supreme Court did not share our view that the withdrawal should’ve been concurred by the Senate. So we will cooperate with the ICC.
Yun muna. But again, a second petition was raised by the Senate President. Pero yung petition namin na kinukwestyon yung pag withdraw sa ICC ay hindi tinanggap ng Supreme Court. We will support first the rejoining and we will cooperate.
Q: What is your stand in political dynasties?
FNP: (Di tinawag)
Q: What would a Marcos-Pangilinan administration look like and ano ang plano niyo para maka trabaho ang dating senador?
FNP: Ang hiling natin sa ating mga botante ay suportahan ang Leni-Kiko tandem para hindi magulo, para nagkakaisa ang presidente at bise presidente. Yan ang pinakamainam para tapat na gobyerno at iaangat nga natin ang lahat at yun ang ating pakay. Ngayon having said that tayo magtratrabaho para sa mga magsasaka at mangingisda at food security ano man ang maging resulta ng halalan kung tayo ay palarin.
Q: As vice president how will you help end systemic corruption in the BIR?
A: Well again I will go back to: you have to punish swiftly the guilty hindi pwe-pwedeng hind pinaparusahan ang mga nagkakasala. Ang nangyayari kasi kapag ikaw nga ay magnakaw nang mas marami eh mas mayroon kang abogado makakalusot ka dahil mabagal ang sistema ng katarungan. In the long run you have to modernize your judiciary. You cannot have a modern judiciary with a third world budget. So we really have to increase our support for the judiciary. Dagdagan pa ang benefits ng mga huwes, mga prosecutor, ng mga court staff para maging efficient. Increase the budget. If we can double it, why not.
And in exchange dapat mabilis ang paglilitis, ngayon kasi anim na taon ang average na paglilitis. Dapat yan mabawasan sa tatlo o dalawang taon na lamang. Dahil pag mas marami ang napaparusahan sa mas mabilis na paraan eh talagang magkakaroon ng takot at respeto sa ating mga batas.
So dapat, that’s how you address corruption and that’s how you address misfeasance, or pang-aabuso sa pwesto hindi lamang ng BIR at iba pang mga ahensya.
Balikan ko na rin lang between imposing more taxes and having a more efficient system of collection. We should always prioritize the latter dahil hindi na kokolekta. 700 billion pesos a year sabi ng COA ang nawawala sa corruption sympre ang pakiramdam ng tax payer ‘binabayad ko sa inyo, ninanakaw lang ninyo’. So kinakailangan talaga ng mabilis na paglilitis at parusa ng korapsyon.
Q: So Senator Pangilinan, paano natin pwede iksian ang paglilitis alam natin dito ang hustisya sa Pilipinas matagal sa mga korte.
FNP: Unang una, fill up all the vacancies in our court system. There are about 25% of our courts walang judge. Kaya mabagal. Two, add more courts para yung dami ng kaso ay hindi na overloaded ang court system natin. And of course, hire more judges, give them more support and convene the JELACC which is the Judicial Executive Legislative Advisory Council. The Senate President, the Speaker of the House, the Chief Justice, and the President of the country sit at the JELACC. It has been convened twice in 2008, it should be convened when the next administration comes in and we talk about budgetary support.
We talk about magkano ba ang kailangan para marami na ang ating courts. Para mabawasan at bumilis ang paglilitis. Pagka masyadong maraming kaso ang isang judge mabagal talaga. Pag mas marami ang korte, mas marami ang judges mas mabilis ang desisyon at magiging two years na lang yan.
Q: Senator Sotto, Senator Pangilinan pareho kayo ng boto sa CREATE Act that gave big tax breaks so what are you saying that you are not guilty of this process.
FNP: Yes again the issue of taxation is really a very sticky issue pero nasa gitna tayo ng pandemya. Hindi lang yung maliit pati yung mga malalaki na naapektuhan ng pandemya, yung negosya nagsasara.
CREATE Law precisely binabaan ito (tax) as a means to be able to provide support. Even the biggest companies like itong mga airline companies, bilyon-bilyon din ang nawawala sa kanila dahil sa pandemya. We voted in favor of that because we recognize na iba ang kondisyon ngayon. Unprecedented yung pagbagsak ng ating ekonomiya, unprecedented ang kawalan ng trabaho kaya dapat unprecedented din ang kilos.
I understand yung concern ni Prof. Bello regarding tax perks and tax breaks. Different, never before experienced pandemic. Bagsak talaga yung ekonomiya. We felt it best to provide assistance and support for companies.
Rebuttal from Manny Lopez
Q: Kaya niyo bang litisin ang kapwa niyo senador kung nasali, nasangkot sa graft and corruption?
FNP: Merong ethics committee sa Senado, but of course kung paglilitis ang pag-uusapan, sa hudikatura iyan. And in fact, ang nangyari nga nitong nakaraan, tatlong senador ang nakulong dahil doon sa paglilitis sa Napoles fund. Pero noong nanalo na ang bagong administration o bago pa man at nanalo ay iyon nabaliktad iyong sitwasyon.
Q: More on Pharmally
FNP: Again you will have to go back ang punish swiftly the guilty hindi pwedeng hindi pinaparusahan ang mga nagkakasala. Ang nangyayari kasi, pag ikaw ay nagnakaw nga nang mas marami tapos mayroon kang abogado mas makakalusot ka.
Q: As vice-president, how can you make sure that the internet is readily available and accessible to students?
FNP: Iyong Robredo-Pangilinan tandem, mayroong plano para sa edukasyon immediately pag-upo. Iyong P90 billion – isang gadget bawat estudyante, isa ‘yan, para talagang mabigyan ng sapat na suporta.
Pangalawa, P300 wifi load allowance kada isang buwan habang siya’y nag-aaral. So P90 billion yan immediately…
Pero ang matinding problema din na dapat tugunan ay yung malnutrisyon ng ating mga anak. Paano ka mag-aaral nang maayos kung kumakalam ang sikmura mo? Sabi nga 95 young people are dying every day, our children, because of malnutrition at iyon ang kinakailangang gawin because we are food insecure.
Yung stunting. Bakit stunting? Bakit maliliit? Bakit hindi lumalaki? Kulang ang nutrisyon. Kulang ang timbang. Kulang ang tangkad. Eh kinakailangan talaga tugunan ang food security at paano natin gagawin yan?
Dodoblehin ang budget ng agrikutlura. At tritriplehin ang tiyak ang budget upang madagdagan ang ayuda at suporta sa mga magsasaka at mangingisda para tumaas ang kanilang ani at tumaas ang kanilang huli. At kapag marami na ang supply ng pagkain sa merkado, bababa na ang presyo ng pagkain. Ayun nga: Hello pagkain, Goodbye gutom.
Q: In case of emergency in the presidency, as VP, are you ready to perform as chief executive?
FNP: Noong tinanggap ko iyong hiling ng ating Vice President na si Leni na maging vice presidential candidate niya, ako ay napaluha at nakita ng ating mga kababayan. Ang isang dahilan ay dahil nakita ko ang mabigat na tungkulin ng isang magiging vice president at mabigat na mga problema ng ating bansa.
Tinanggap natin iyon dahil alam ko na kung mahirap ang dadaanang kampanya, mas mahirap ang [pinagdadaanan] ng marami nating kababayan: namatayan, walang trabaho, ginugutom.
Sa pagkakataong yun, titiyakin [natin], uunahin natin iyong mga nasa laylayan, iyong mahihirap nating mga kababayan.
Bata pa lang [tayong] abogado, [tayo] na ay nagbibigay ng libreng serbisyong ligal sa ating mga kababayan. Biko nga, isang bilaong biko ang bayad sa akin ng mga manggagawa.
Hanggang sa ngayon, mga magsasaka at mangingisda ang ating ipinaglalaban dahil sila ang kapos. Hindi makatarungan na kung sino pa ang nagpapakain sa atin, sila pa ang gutom.
Hindi katanggap-tanggap na ang isang Tatang Meg na nakilala ko, 87 years old, nagsasaka pa, baon pa sa utang. That is an injustice. That is unacceptable.
That’s the kind of leadership that they can rely on us, and on Vice President Robredo: Uunahin iyong mga kapos. Maraming salamat!

World News

TDPel Media

This article was published on TDPel Media. Thanks for reading!

Share on Facebook «||» Share on Twitter «||» Share on Reddit «||» Share on LinkedIn